AMBER’S POV “KAYA magpahinga ka na diyan at huwag nang manood ng balita. Bawal sa iyo ma-stress ‘di ba? Mabubulok na sa kulungan sina Noah at Layla,” sabi ni Kitty na inalalayan akong humiga at kinumutan. Kinuha niya ang remote control na nakapatong sa bidside table ko. Off na lang sana niya ang TV nang matigilan. Kapwa kami nagkatinginan pagkatapos ay bumalik din kaagad ang atensiyon sa screen. Pinanlamigan ako ng buong katawan dahil ayon sa balita ay hindi mahanap sina Noah at Layla kahit hinalughog na ang buong ND Company. Tumakas sila! Napahawak ako sa aking dibdib. Nakaramdam ng matinding takot. Ngayon na alam ko na kung gaano katindi ang kasamaan nila ay nabatid ko na malaking banta sila sa buhay ko at sa buhay ng mga tumulong sa akin. Bagaman nagatatago ay batid kong hahanap p