CHAPTER THREE

1217 Words
AMBER’S POV PAGMULAT ko ng mata ay ang pamilyar na kwarto ni Jacob ang bumungad sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman na tila mabibiyak ang ulo ko sa sakit. Matatandaan na halos hindi na naman ako makalakad dahil sa kalasingan kagabi kaya inuwi na naman ako ng best friend ko sa bachelor’s pad niya. Malayo na kasi kung ihahatid pa niya ako sa bahay ko. Wala naman akong naramdaman na kakaiba sa katawan ko maliban sa hang over na hindi na bago sa akin. Sigurado rin ako na intact pa ang virginity ko. Hindi si Jacob ang klase ng lalaki na magte-take advantage sa mga babaeng lasing. Gentleman siya. Kaagad kong hinagilap ang clutch bag ko sa tabi ng side table at kinuha ang cellphone. Pinanlikahan ako ng mata. Napalikwas ng bangon. Ganap na nagising ang diwa ko nang mabasa ang mahigit sa sampong text messages na galing sa manager ko. Good news, Amber! Mr. Hernandez wants you to be the Cheeks and Fab model. May meeting tayo mamaya sa kanya at 1:00pm sharp. Please do not be late. Give me a reply, Amber! Where the f*ck are you? Amber, we're running late! That's it! I quit! “Oh God!” Natuptop ko ang bibig ko nang makita ang oras sa aking cellphone. Alas dos na ng hapon. Ano na naman itong nagawa ko? Sikat na cosmetic brand ang Cheeks and Fab hindi lang dito sa bansa kundi maging sa buong mundo. But here I am, sinira ko na naman ang pagkakataon na muling makaahon sa aking karera. Kaninang alas nueve ng umaga ay ginising pa ako ni Jacob para mag-almusal. Hinatiran pa niya ako ng breaffast sa kwarto. Inubos ko lang ang gatas at ilang kagat ng tinapay pagkatapos ay tinulak ko na ang tray. Hinayaan lang din ako ni Jacob na bumalik sa tulog. Kung sana pala tiningnan ko muna ang cellphone ko. Madalas kong pinasasakit ang ulo ng manager ko. Ginawa ko siyang tagaligpit ng mga kalat ko. Siya ang humaharap sa mga tao na bumabatikos sa akin. Ako ang pinakasikat na talent niya, pero sa ginagawa ko ay para ko na rin siyang tinutulak na bitawan ako. Ilang beses na niya ako binibigyan ng ultimatum at alam ko na sa pagkakataon na ito ay nasagad ko ang pasesnya niya. Mabigat ang loob na bumangon ako sa kama. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo ang buhok. Nagkalat ang mascara sa paligid ng dalawang mata. Larawan ng isang miserableng babae. Walang buhay ang mga mata. Malalim akong napabuntong-hininga bago inayos ang suot kong pulang dress na hapit na hapit sa katawan ko ang tabas. Medyo tumaas ang laylayan kaya malapit nang masilip ang panloob ko. Siguro kung masamang tao lang ang best friend ko ay malamang noon pa niya ako pinagsamantalahan dahil sa sobrang pagka-careless ko. Matapos i-ponytail ang buhok ay lumabas na ako sa kwarto ni Jacob. Inaasahan ko na wala na siya dito. Pumasok na siya sa kompanya niya. Workahalic. Walang nang ginawa kundi palaguin ang negosyo. Isang pambihirang pagkakataon na kung mahila mo para gumimik. “Hep! Where are you going?” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Agad sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Jacob na nakatayo sa kitchen counter na suot ang isang apron at may hawak na sandok. “Are you cooking sinigang?” Ngayon ko lang naramdaman ang gutom nang maamoy ang niluluto ng kaibigan ko. “Yeah. Paborito mo.” “I’m so hungry.” Lumapit siya sa akin. Hinila ako papunta sa dining area. Para akong prinsesa na inalalayan akong makaupo. Pagkatapos ay marahan niyang dinampi ang kanyang hintuturo sa dulo ng aking ilong. Iyon ang paraan ng paglalambing niya sa akin. “Tamang-tamang luto na ang sinigang.” “Hindi ka pumasok sa opisina?” “Nope. Iniisip ko kasi na walang mag-aasikaso sa iyo pagkagising.” “Masyado mo akong in-spoil,” ingos ko. “Malakas ka sa akin e.” Hindi ako hinayaan ni Jacob na kumilos kaya pinapanood ko lang siya sa kanyang mga ginagawa. Parang may humaplos na malamig na bagay sa aking puso. Kung ituring ako ni Jacob ay parang isang prinsesa o ‘di kaya’y babasagin na kristal. Gusto ko maniwala na may gusto siya sa akin pero tinatakwil ko rin ang ideya na iyan sa aking isipan. Kung tama ang hinala ko, e ‘di sana noon pa niya ako niligawan. Instead, na-friendzone ako! Jacob is my ideal man. Siya ang salarin kung bakit mataas ang standard ko sa isang lalaki. And yes, attracted ako sa kanya pero hindi ko kaya na i-reveal sa kanya ang feelings ko sa takot na baka masira ko lang ang friendship namin. “Let’s eat,” pahayag niya nang matapos ihanda ang dining table. “It looks yummy!” excited kong sabi na nagpatiuna nang umusal ng maikling panalangin. “Okay! Kainan na!” Naiiling na napangiti na lang si Jacob habang tinitigan ako. “By the way, ilang beses ko yata na narinig na tumunog ang cellphone mo,” wika ni Jacob nang nasa kalagitnaan na sila sa pagkain. “Bakit hindi mo ako ginising?!” “Nakakaawa kang gisingin e.” “Kahit na!” Maluha-luha kong sabi. Natigalan si Jacob. Nahulaan kaagad niya na may problema ako. “Why, what happen?” “Manager ko iyong tumawag. Gusto raw akong kunin ng Cheeks and Fab cosmetics bilang model.” “That’s a great news!” Inirapan ko siya. Mas lalo kumulimlim ang mukha ko. “Ano’ng great? May meeting kami sa CEO, 1:00pm ang usapan, e anong oras na ngayon? Then iyong manager ko balak pa yata akong bitawan bilang talent niya.” “Mahirap nga iyan.” Tumunog ang kubyertos ng bitawan ko. “Paano na ako?” tanong ko sabay subsob ng mukha ko sa dalawa kong kamay. Napangawa ng iyak. Agad naman siyang tumayo upang daluhan ako. Kinabig. Tahimik na hinaplos niya ang buhok ko. Sa ginawa niya ay kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Kung sabagay, hindi naman niya ako iniwan sa lahat ng laban. Sa katanuyan ay masyado na akong dependent sa kanya. “Panahon na siguro para mag-invest ako sa company mo. Open pa ba iyang offer mo sa akin?” “Of course anytime. Mabibigyan ka rin ng posisyon sa kompanya ko.” “Sige, pag-uusapan natin ng maigi ang bagay na iyan sa susunod na araw.” Tinangala ko siya habang pumulupot ang dalawa kong kamay sa kanyang beywang. “Jacob, thanks for everything. Hulog ka talaga ng langit sa akin.” “You’re welcome,” aniya habang nakangiti. Ginulo ang buhok ko. “Swerte ng future wife mo. Kung ako na lang kaya ang pakasalan mo?” biro ko. “Why not.” Natigilan ako sa narinig. Bigla nawala sa lugar ang puso ko. Sinalubong ko ang mga mata niya. Seryoso ang mukha niya. Did he truly mean what he said? “Jacob…” “Yes, Amber, I’ve been – “ Tumunog ang cellphone ko sa bag pero hindi ko iyon pinansin. “You’ve been what?” Say it, Jacob! Patuloy pa rin ang pag-ring. “Ano ang sasabihin mo?” tanong ko pa ulit. “Answer the call first. It is may be important.” D*mn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD