“GRABE iyong speech mo, Elle, muntik na kaming umiyak!” Sinuntok ko sa kanyang braso si Zon. “Aray! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Pero, graduate na tayo! Makakapaglaro na ako ng online games ko—” “May entrance examination pa tayong aasikasuhin, tatlong araw bago iyon.” Pinutok ko ang iniisip ni Zon ngayon. “Lupaypay ang magkabilang braso ni Zon! Donʼt worry, Zon, three days lang iyon then pʼwede ka na muli maglaro ng online games mo!” Parehas talaga sila ng braincells ni Stephen. “Kailangan nating mag—review para sa 100% scholarship! Sayang din! Letʼs try our best!” Sumang—ayon kami sa sinabi ni Nikki. “Pero, guys, tulungan niyo naman kami nina Cristy and Stephen, sa ating pito, kami ang mahina sa acads talaga, Mathematics subject ang ayaw namin!” Ngumisi ako nang malaki sa kan

