PHOENIX “ARGH!” Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman kong sumakit iyon. Pangatlong araw naʼng matapos ang entrance examination namin sa Maravilla University, pero sumasakit pa rin talaga ang ulo ko, tatlong araw lang kaming nag—review. Hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin kung paano ako sumagot that day. Naalala ko na naman ang mukha ni Jobelle that time, dismayado. Sobrang hirap naman talaga, maging si Jobelle ay nahirapan din siya. Nag—alala ako sa kanya nang araw na iyon nang makita ang seryosong mukha niya, paniguradong inaalala niya ang bawat tanong sa exam. Kaya bumili agad ako ng chocolate drinks niya that day para mawala ang kanyang iniisip. Effective talaga ang chocolate drinks, iyon din ang sinabi ni tito Kaito sa akin. Tumalon—talon na muna ako para mawala

