MATAPOS ang isang linggo na paghihintay nang matapos ang entrance examination sa Maravilla University. Isang linggo rin ako nag—abang para malaman ang results at ngayong araw na lalabas iyon. Gusto ko maging scholar nila para wala na akong babayaran matrikula, books at uniform. Libre na ang lahat, except sa ibang need na pera ang kailangan sa subject. You know expenses. “Ate Jobelle, ngayon ang labas ng results sa MU? Pupunta ba sila Phoenix ngayon para sabay—sabay niyong makita ang results?” Tinanguan ko si Mama. “Opo, dito po kami. Mamayang tanghali po ang labas nuʼn, ayon sa account nila sa facetagram,” sagot ko sa kanya. Tinutulungan ko si Mama na maghiwa ng gulay sa niluluto niyang ginataang kalabasa at sitaw, hindi lang iyon dahil magluluto rin kami ng okoy at pritong tilapia. “

