DALAWANG taon na ang lumipas nang tuluyang wala na kaming contact mula kay Phoenix, maging ang tita Jenny niya ay hindi na rin siya ma—contact. Iniwan na niya kami na parang bula. Hindi ba talaga niya ako mahal? Puppy love lang talaga siguro ang nakita niya sa akin. Akala ko parehas kaming dalawa na gusto ang isaʼt isa, umasa ako. Umasa ako sa mga sinasabi niyang mahal na mahal niya ako at magiging katulad kami nina Mama at Papa. Pero, mali pala ang lahat ng iyon. Hindi totoo. Pinaasa lamang niya ako. Sa loob ng dalawang taon, umaasa pa rin akong babalikan niya ako. Pero, ang tanga ko siguro, kasi sa nakalipas na dalawang taon, ni—isang hello/hi, wala akong natanggap, maging silang lima. Sa dalawang taon na iyon ay hindi nag—stop iyong luha ko kapag naiisip siya, umaasa pa rin talaga a

