NAKABIHIS na ako at ngayon ay naglalakad na kami papunta sa bahay nila Phoenix kasama ko ang buong barkada. “K—kahit huwag na,” saad ko sa kanila. “Nope, Elle. Kami ang support system mo, okay?” saad ni Nikki sa akin at tinapik ang aking balikat. “Tama iyon! Walang karapatan ang sino man na paiyakin ka, kahit kaibigan pa natin ang Phoenix na iyon. Walang exceptional sa pamilyang ito!” malakas na sabi ni Zon. “Nandito ako para sa iyo kahit gusto kong maglaro buong maghapon sa room ko, ha!” Tinataas—taas pa ang kanyang kilay sa akin. “Kaya nga! Kayaʼt magmadali tayo! Paniguradong natutulog na ang Phoenix na iyon galing sa trabaho niya— I mean, Sunday pala kahapon... Wala siyang work kaya buong maghapon siyang nasa bahay nila!” saad din ni Stephen. Halos lahat sila ay kasama ko ngayon, m

