ANIM na araw, wala pa rin akong natatanggap mula kay Phoenix. Ni—isang chat, GIF, stickers or video call ay wala siyang sine—send sa akin. Iʼm losing my hope. Paano kung ayaw na niya sa akin? Pero, sa mga salitang sinabi niya noong Linggo ay nararamdaman kong mahal na mahal niya ako. Kaya bakit wala siyang ni—isang paramdam man lang sa akin? Nakatingin ako sa maraming chats ko kay Phoenix, pero ni—isa ay hindi niya ako sineen, ni—isa walang reply akong natanggap mula sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Kailangan ko na ba siyang puntahan sa kanila? Umilaw ang phone ko, bumilis ang aking dibdib, pero bigla ring nawala nang makitang si Zon ang tumatawag. Ayokong sagutin, pero mapilit itong daliri ko. “Elle! Are you okay? Nalaman ko kina Nikki and Cristy na ilang araw na kayong

