NAKATINGIN ako kay Phoenix ngayon na seryosong naglalaro ngayon sa machine claw. Pinagmamasdan ko lamang siya, pero ako ay hindi pa rin mapakali. “Nakakuha muli ako, Jobelle! Three stuffed toys for you!” nakangiting sabi niya sa akin. Inabot niya sa akin iyon at kinuha ko na rin iyon, nilagay ko sa plastic na hiningi namin sa staff ng arcade na ito. Sinusundan ko lamang siya ng tingin habang palipat—lipat kami ng claw machine, marami na ring napapatingin sa aming dalawa dahil sa galing niya. Isang bata nga ay binigyan ko naʼng isa, pero marami pa rin itong nakuha niya. “Ubos na ang tokens natin, Jobelle! And, marami na rin tayong nakuhang stuffed toys. Kain naman tayo? Alam kong nagugutom ka na,” sabi niya sa akin at hinawakan ang aking bitbit at lumakad na kami palabas sa arcade na i

