NAGISING ako nang makaramdam ako ng pagka—ihi. Bumangon ako at bago ako lumabas ay chineck ko muna ang aking phone, halos tumakas ang aking kaluluwa nang makita ang name ni Phoenix. Malaking ngiti ang pumaskil sa aking mukha nang makita ko iyon. Kanina ko pa hinihintay ang chat niya sa akin, kaya nawala ang inis at tampo ko sa kanya. Phoenix: Hello, Jobelle, pasensya na kung ngayon ko lang nabasa ang chat mo, nakatulog ako buong maghapon. Kumain na ako and nakainom ng vitamins. I love you so much. Jobelle, can we have a date today? Tayong dalawa lang, hindi kasama ang mga kaibigan natin. Gusto kong makasama sa buong maghapon bukas. Please? Ako ang gagastos sa ating dalawa. We can have a date? Hindi ko maiwasan bumanat ang mga labi ko nang mabasa ko iyon. Two hours ago ang huling chat

