ISANG linggo. Isang linggo nang mapansing pakonti—konti ang chats niya sa akin. Phoenix: Good morning, Jobelle. Eat your breakfast, ha? Good afternoon! Lunch break namin here. Good evening and good night! Paulit-ulit ang chats niya sa akin sa isang linggo na iyon. Iniisip ko lamang na baka pagod siya dahil sa trabaho bilang call center, 9PM ang umpisa at magtatapos ng 4AM, iyon ang schedule niya from Monday to Friday. Jobelle: Good morning, Phoenix! Have a rise and shine morning. May gagawin ka ba today? O, magpapahinga? Can we have a date? Maaga akong nagising para yayain niyang mag—date. Baka kailangan niyang magsaya ngayong araw dahil limang araw siyang nagtrabaho. Nangunot ang noo ko nang hindi ako reply—an. Napatingin ako sa oras ng phone ko, alas—otso ng umaga na, baka tulo

