PHOENIX “NAKUHA mo na ang ID mo?” Kinuha ko ang bitbit ni Jobelle, at sinukbit ko na muli iyon. “I got it! Saglit lamang, dapat kahapon pa lang daw ay kinuha ko na. Sinabi ko na lamang na may pinuntahan ako.” Pinakita ko iyon sa kanya. “Punta na tayo sa Ever Call Center Company, doon ako magta—trabaho. Nandoon na rin si Drew, ipakilala na rin kita, Jobelle,” sabi ko sa kanya. “Drew! Ah, iyong sinabi mong kinausap ka noong pangatlong paghahanap mo sa work?” Tumango ako sa kanya habang naghihintay kami ng jeep na dadaan. “Siya nga, Jobelle. Nandoon na raw siya tabi ng convenience store,” sabi ko sa kanya. Sumakay na kami ng jeep at nagbayad na rin ako. “Ganito pala ang paghahanap ng work, ano? At least, may alam na ako kapag nagtapos ako, Phoenix. Sayang hindi pa ako legal age. Ba

