PHOENIX “PHOENIX, ang aga mong nagising, ha? Ginabi ka na sa pag—uwi kagabi, pero ang aga mo pa ring nagising. May lalakarin ka ba ngayong araw?” Tinutukoy niya ang pag—medical ko kahapon. Nagpa—medical na kami ni Drew, balak ngang sumama ni Jobelle, pero hindi ko siya pinasama dahil pagod din siya. Nagta—trabaho rin siya sa boutique shop nila ngayon, kasama sina Nikki and Cristy. Kumuha ako ng tasa para magkape. Simula nang grumaduate at nag—review kami for entrance examination sa Maravilla University, hindi na nawala ang kape sa umaga ko. “Ngayon po kami mag—e—enroll sa Maravilla University, tita Jenny.” sagot ko sa kanya. Nagtataka ba kayo kung bakit Sunday kami nagpa—medical ni Drew, hindi rin namin alam, pero open din naman iyong clinic kung saan kami nagpa—medical, iyon din kas

