“IʼM sorry.” “Anong nakasulat, ate Jobelle?” Napataas ang tingin ko at tinago ko ang sulat sa bulsa ng shorts ko. “Um, nagtatanong po kung bakit absent ako.” Hindi ko alam kung kapani—paniwala ba ang sagot ko kay Mama. “Ganoʼn ba? Kay bait na bata. Isang linggo pa lang siya sa inyo, ʼdi ba, ate?” Napangiwi ako sa sinabi ni Mama, pero hindi ko pinahalata. “Um, opo, Mama. Nakagaanan nga po niya agad sina Zon, Stephen and Edward niya. Barkada na silang apat, maging sina Nikki and Cristy po!” Kumain na muli ako, bigla akong nagutom lalo. “Pihikan ang tatlong iyon sa barkada? Baka may nakita talaga sila sa Phoenix na iyon, anak. Kanina nga habang kinakausap ko siya, sobrang bait at ang daming po at opo nga ako narinig sa bibig niya. Mabait din siguro ang magulang niya.” Napatigil ako sa pa

