SINUSUKAT ko na ngayon ang dress na gagamitin ko sa cotillion, pinagpipilian kasi namin ang lavender at black dress, pareho kay Mama ito at parehong kasya sa akin. Natapos na rin silang magtalong dalawa, nauna nag—sorry si Papa. Siya naman palagi ang unang humihingi ng sorry. Wala ng bago roon. “Ma, Pa, huwag na kayong mag—away. Gusto rin namin makuha ang Face of the Night and Couple of the Night katulad ng sa inyo!” “Makukuha niyo iyon ni Phoenix, ate Jobelle. Kapag hindi, dinaya kayo!” sabi ni Papa. “Hetong lavender na lang isuot mo para winstreak ang dress na ito! Heto rin ang ipapasuot namin kay Karleen kapag nag—cotillion na rin siya, mga four years pa naman ang hihintayin.” “Ano, ate Jobelle? Alin sa dalawa ang pipiliin mo?” Tinuro ko iyong lavender dress. “For winstreak, Ma

