DECEMBER 24, maaga pa lamang ay gising na ako, kasama ako ni Mama papunta sa palengke, mamimili ng sahog para sa panghanda namin mamaya sa noche buena. Iyong boutique shop namin ay sarado ng dalawang araw, ngayon at bukas, December 25. “Ate Jobelle, aalis ba ulit kayo ni Phoenix bukas katulad last year?” pagtatanong ni Mama sa akin habang naglalakad papunta sa palengke. Naglalakad lang kami para exercise na raw at mamayang pag—uwi na lamang kami sasakay. “Opo, Mama. Pʼwede po ba? Hindi po kami magpapagabi. Nagtanong na rin po kami kay Papa kahapon, payag naman po siya, sa iyo na lang daw po kaming magtanong. Pʼwede po ba, Mama?” tanong ko sa kanya. “Of course, ate Jobelle! May tiwala naman ako sa iyo at kay Phoenix na hindi niyo kami bibiguin.” Ngumiting tumango ako sa kanya. “Basta umu

