HINDI ko namalayang sobrang bilis ng panahon, ang dating third year high school, ngayon ay senior na, graduating na ako this year. Hindi lang iyon dahil ang dating inis na inis ako kay Phoenix ngayon ay isang taon at tatlong buwan na kaming magka—relasyong dalawa, until now consistent pa rin naman siya sa pagiging sweet niya. September 8 ko siya sinagot. “Ate Jobelle, susunduin ka ba ni Phoenix ngayon? Sabay ba kayo papasok?” Napataas ako kay Mama nang makitang naghuhugas siya ngayon. Maaga na ang pasok ko, dating 10AM TO 5PM noong third year ay naging 8AM to 3PM ngayong fourth year, kaya nakakasabay ko na ang dalawang kapatid ko. “Um, opo, Mama! Nagchat po siya kanina na susunduin po niya ako,” sagot ko sa kanya at kumain muli. “Mauuna na kami ng Papa mong umalis, sina Karleen at Je

