KINAGAT ko ang aking ibabang labi nang makita ang tingin ni Cristy sa akin. “T—tungkol na naman sa akin?” nauutal kong tanong sa kanya. Nananalangin akong hindi tungkol sa akin, at sana tungkol kay Zon. May mga post din kasing tungkol sa kanya. Mga babaeng may crush kay Zon. Ngumiwi siya at dahan—dahan na tumango. “Tungkol sa iyo nga. At, kilala natin ang nagpost nito,” mahinang sabi niya sa amin ni Nikki. Napabuga ako at tinignan silang dalawa. “Two weeks pa lamang nakalipas nang huling may nagpost tungkol sa akin, tapos, heto na naman? Hindi ba talaga tungkol sa tatlong itlog na iyo? Or, tungkol kay Phoenix?” tanong ko sa kanya, napalihis ng tingin si Cristy sa akin. “Teka, so, tungkol talaga sa akin ang nakapost na naman doon?” Tinuro ko na ang sarili ko, tumango muli si Cristy. “Hin

