CHAPTER 11.2: Panibagong Post?

2256 Words

“BAKIT humahaba ang nguso ng ate Jobelle namin? May problema ba? O, dahil late ka kahapon?” Namimilog ang mga mata kong napatingin kay Papa. “Oh, bakit? Akala mo ba hindi ko malalamang late kang dumating sa school?” nakangising tanong niya sa akin at nilapag ang fried rice na niluto niya. “Um, sinabi po ba sa inyo ni Miss Pitogon, Papa?” tanong ko sa kanya, umiling siya sa akin. “Si Sir Gabriel po?” Muling umiling siya. "Si ninong Allan?” Siya na ang nasa huling list ko na pʼwedeng magsumbong. “Hindi rin, anak!” Nakahinga ako nang malalim. Akala ko ta—traydurin ako ni ninong Allan. “Eh, sino po?” “Si Zon! Nagchat siya sa akin na late kayong pumasok kahapon, napagalitan kayo ni Sir Gabriel.” Aba, ang impakto na iyon ay nagsumbong kay Papa. “Huwag kang mag—alala, hindi alam ng Mama mo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD