Third person's POV Pagpasok na pagpasok ni Cedric sa tutuluyan nilang silid kung saan kasama niya si Lione ay kaagad na sumalubong sakaniya ang isang suntok na hindi na rin niya inilagan kahit na inasahan niya ito. Lumihis ang ulo niya at ramdam niya ang kakaunting sakit mula sa pumutok niyang labi na dulot ng pagkakasuntok ni Lione sakaniya. "You know why I punched you, right?” Pawang may pagtitimping pagsasalita ni Lione, napahinga siya ng malalim saka marahang pinahiran ang kaunting dugo mula sa gilid ng labi niya saka na muling diretsong tumingin kay Lione na galit na galit ang mga matang nakatingin sakaniya. Bahagya lang siyang umiling, “No,” Tipid niyang sagot, hindi niya alam kung bakit siyang sinuntok ni Lione pero nararamdaman niya at naiitindihan kung bakit siya

