Laurice’ POV *chuckles* Para akong batang tawa ng tawa at hindi alam ang dapat na mangibabaw sa nararamdaman habang tumititngin-tingin sa paligid, ang daming mga iba’t-ibang uri ng isda ang nadadaanan namin. Bumaling ako kay Cedric, “Paano naging posible ito?” Manghang tanong ko na ang tinutukoy ay ang abilidad na makalangoy sa ilalim ng dagat. Nakatingin lang siya saakin, “I’m the Deity, we have a lot of powers than anyone could ever imagine,” Simpleng sagot niya pero napatitig lang ako sakaniya. The Deities are really cool… so powerful… amazing… “You’re staring at me,” Napaiwas lang ako ng tingin nang sabihin ni Cedric iyon, hindi ko man lang namalayan na nakatitig na ako sakaniya, I cleared my throat, feeling a little embarrassed. “I just find it so… cool,

