PAGDATING namin sa opisina ay nakanganga sa akin ang mga kapwa ko empleyado. May pagtataka ngunit may paghanga naman sa kanilang mga mata habang nakatitig sa akin. Hindi ko naman malaman kung paano ngingiti sa kanila. Para kasi akong tangang nakasuot ng sunglasses dito sa opisina. Wala namang araw dito sa loob. "M-Magandang umaga po. Magandang umaga!" Kaliwa't kanan akong yumuko sa kanilang harapan habang naglalakad sa mahabang pasilyo. Binati din naman nila kami ni Kuya Dardar. Tuluyan na kaming nakarating sa office table ko. Si Kuya Dardar naman ay dumiretso na sa pinto ng office niya. "Ipagtitimpla ko pa rin po ba kayo ng kape, Sir?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya rin naman ako. "I already had breakfast at home." "Oh, okay po." Binuksan na niya ang pinto ng office niya at