PAULIT-ULIT kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi na patuloy sa pag-agos. Kasalukuyan na ako ngayong naririto sa banyo sa silid namin ni Mama. Isang oras na siguro akong nakaupo dito sa toilet bowl at tahimik na umiiyak. Bakit naman ganito? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit sa iisang lalaki pa kami umiibig ngayon ni ate Ishie? Hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataon noon kay Kuya Ivo dahil parang kapatid lang naman ang turing niya sa akin. Ngayon namang naranasan kong mahalikan ni Kuya Dardar, bigla naman siyang dumating at nagbabadyang makuha niya sa akin ang lalaking iniibig ko. Hindi rin ba para sa akin si Kuya Dardar? Bakit kailangan ko pang maramdaman 'to? Bakit kailangan ko pang mas mahulog sa kanya simula noong halikan niya ako, kung hindi rin naman pala siya ang lal