TULALA pa rin ako habang nasa biyahe kami pauwi sa bahay nila ate at Kuya Desmond. Isang oras din ang inilagi namin kanina sa unit niya. Mga 5:10 kami umalis doon. Nasa driver's seat ngayon si Kuya Dardar at siyang nagmamaneho ng kotse niya. Pareho kaming walang imikan sa isa't isa. Hindi rin ako halos makagalaw sa kinauupuan ko. Nakatuon ang isipan ko sa mga labi ko na ilang beses niyang inangkin kanina lamang. Nag-iinit pa rin nga ang mga ito hanggang ngayon. Hindi na lang siguro ako magto-toothbrush mamaya para hindi maalis ang bakas ng mga labi niya at ng mga laway niya sa akin. Parang ayokong linisin ang bibig ko mamaya. Gusto kong damhin ito hanggang bukas. Naubos namin kanina 'yong vegetable salad na ginawa namin. Ako na ang naghugas ng mga ginamit namin sa lababo. Pero hindi