Dahan-dahan din naman siyang kumalas at binitawan ang mga labi ko. Ako naman ay natulala na sa kanya at hindi na nakakilos sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay nangangapal ang mga labi ko ngayon at nararamdaman ko pa rin dito ang init ng mga labi niya. Sinalubong niya ang aking mga mata. "Have you ever been kissed before?" tanong niya. Dahan-dahan akong umiling habang nakatitig pa rin sa kanya. Sumilay naman ang munting ngiti sa mga labi niya. "What's the feeling?" "A-Ahm... B-Bakit niyo po ako h-hinalikan?" "Your lips are tempting." Hinawakan niya ang baba ko at marahang hinaplos ng thumb finger niya ang ibabang labi ko. Kusa namang umawang ang mga labi ko. "I'm sorry. Are you mad?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Napayuko ako. Binitawan naman niya ang baba ko at umayos