Lina Ngayon nga ay naririto na kami sa Milan Italy, sa mismong mansion ng mga Delavega. Pero hindi pa rin namin ipinaalam kila Tito Harold at sa pamilya niya ang pagdating namin. Ang kotse naman niya ay naisoli na sa kanila noong araw na magtungo kami sa Grand Canal, Venice. Ipinakuha na lamang ito ni Desmond sa mga tao nila sa Venice. "It looks like Dad still hasn't contacted Tito Harold. Wala pa silang alam tungkol sa atin. Kasi kung mayroon man, baka kanina pa sumugod dito si Harlie. Ni hindi siya tumatawag sa akin," ani Desmond sa akin. Alas nuebe na ngayon ng gabi at nakahiga na kami ngayon sa kama niya dito sa silid niya, na silid ko na rin ngayon. Pareho pa rin kaming hindi makatulog at iniisip namin ang pagdating bukas ng pamilya niya. "Pupunta ba silang lahat?" tanong ko s