Lina "Tell me, is she pregnant?! Who is the father?! Tell me!" Lumakas na lamang bigla ang tinig ni Kuya Darell. Hindi naman siya sinagot ni Desmond. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya sa screen. "Tito Desmond, tell me who is the father of her child! Bakit hindi niyo sinasabi sa amin? Bakit walang alam sila Dad?!" Ibinaba na lamang niyang bigla ang phone ko sa table. Tumahimik na ring bigla doon. Sinilip ko ito at nakita kong nasa wallpaper na namin ito. Wala na si Kuya Darell. "A-Anong gagawin natin ngayon? Siguradong maghihinala na 'yon at sasabihin niya kaagad 'to sa mga kapatid mo at sa ama mo," ani ko sa kanya. Sobrang kaba ang nararamaman ko sa mga sandaling ito. Nanginginig ang mga kamay ko. Muli namang tumunog ang phone ko at nasa screen na naman nito ngayon ang panga