CHAPTER 04: Consent

2084 Words
Lina HATINGGABI na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga ginawa sa akin ni Ninong kani-kanina lamang, lalo na sa tuwing maaalala ko kung paano niya ako hinalikan sa mga labi ko. Kung paano niya hinaplos ang p********e ko at kung paano niya sinuso ang dibdib ko. Kanina pa nag-iinit ang katawan ko na hindi ko maintindihan, lalong-lalo na ang maselang parte ng katawan ko. Kanina ko pa rin hinahawakan ang dibdib ko at iniipit ang p********e ko sa mga hita ko. Para akong naiihi na hindi ko maintindihan. Kanina pa rin ako umiinom ng tubig upang maibasan ang nararamdaman kong ito. Kahit anong gawin ko ay hindi mawala sa isipan ko ang napakagwapong mukha ni Ninong at mainit niyang mga labi. Para bang ginising niyang bigla ang natutulog kong diwa at sensasyon. Muli akong bumangon at lumabas ng silid ko. Madilim na ang buong paligid. Tanging kaming dalawa lang ang naririto ngayon sa bahay na ito. Tinungo ko ang silid niya at binuksan ng kaunti ang pinto. Sinilip ko siya sa loob. Naaaninag ko naman siya sa ibabaw ng kama na mahimbing pa ring natutulog. Nagbago na ngayon ang posisyon niya. Nakadapa na siya ngayon. Muli kong isinara ang pinto at muling bumalik sa silid ko. Minabuti ko itong ikandado at muling bumalik sa kama. Pinilit ko nang matulog kahit napakailap ng antok sa akin. *** KINAUMAGAHAN ay nagising akong bangag. Para akong zombie sa harap ng salamin. Nangingitim ang palibot ng mga mata ko at sabog-sabog ang buhok ko. Lumingon ako sa alarm clock ko na nasa ibabaw ng bedside table at ganun na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita kong 8:20 na pala ng umaga! Diyos ko, wala pa akong nalulutong almusal ni Ninong! Nagkumahog akong bigla patungo sa banyo at naghilamos ng mukha ko. Paulit-ulit din akong nagmumog ng bibig ko. Nagpunas lang ako gamit ang malaki kong tuwalya at kaagad na ring lumabas ng silid ko. Dumako kaagad ang mga mata ko sa nakasaradong pinto ng silid ni Ninong. Gising na kaya siya? Siguradong oo, dahil maaga talaga siya palagi nagigising kahit lasing na lasing siya ng gabi. Lumapit ako sa pinto nito ngunit nag-alangan akong bigla na kumatok. Naalala ko na naman ang mga nangyari sa amin kagabi. Ano nang mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayon? Maalala pa kaya niya 'yon? Baka palayasin na niya ako dito para makaiwas siya sa akin. Inilapat ko ang tainga ko sa pinto at nakiramdam sa loob. Pero sa pagkakaalam ko ay soundproof ang silid nilang ito. Wala akong marinig na kahit ano. Kinakabahan ako sa mga sandaling ito. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nangangatal din ang mga kamay ko. Hay, mamaya na nga lang. Bababa na lang muna ako. Minabuti ko nang tunguhin ang hagdan at nagmadaling bumaba. Nangangatog ang mga tuhod ko at kamuntik pa akong mawalan ng balanse! Pagdating ko sa baba ay paulit-ulit akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Dumiretso na rin kaagad ako sa kusina at nag-isip nang maluluto. Wala pang bakas na bumaba na siya ng bahay kaya malamang ay naroroon pa rin siya ngayon sa silid nila ni Tita Gilda. Siguro ay naliligo na siya ngayon. Wednesday ngayon at araw-araw siyang umaalis para magtrabaho. Nakita ko ang mga tirang ulam kagabi sa ref. Inilabas ko ang lahat ng ito at ininit sa mga kaserola. Marami pa ring tirang kanin dahil ako lang naman ang kumain kagabi. Hindi na nakakain pa si Ninong dahil sa kalasingan niya. Minabuti ko na lang isangag ito. Malakas pa rin ng kabog ang dibdib ko kahit kalahating oras na ang nakalilipas. Malapit na ring maluto ang sinangag. Maya-maya'y nakaramdam na ako ng mga yabag na tila papalapit. N-Nandyan na yata si Ninong! Nataranta akong bigla at hindi malaman ang gagawin! Sinandok ko ang mga pagkain sa kaserola at inilagay sa mesa. Nalanghap ko na kaagad ang mabangong amoy ni Ninong na mukhang bagong paligo na. "Lina--" "Ay, kabayong bakla! Nalunod sa dagat!" napasigaw akong bigla at nabitawan ang mga kutsara at tinidor! Nangahulog ang mga ito sa sahig! "Hey. I told you, don't drink coffee." Napalingon ako kay Ninong na ngayo'y nagtungo sa mesa at pinagmasdan ang mga niluto kong pagkain. Napatulala na lamang ako sa kanya. Parang bagong tao na naman siya ngayon at mukhang nagka-amnesia nga. Bagong paligo na siya at nakasuot na ng damit pang-opisina. Preskong-presko na ang hitsura niya ngayon. Humila siya ng silya at naupo. "Pahingi ako ng coffee," aniya nang hindi ako nililingon. Hindi kaagad ako nakakilos sa kinatatayuan ko at nanatili lamang nakatulala sa kanya. Hanggang sa lumingon na siya sa akin. "Are you okay? What's wrong?" Bigla siyang tumayo. Doon pa lang ako napakilos. "Aah..." Mabilis kong dinampot ang mga kutsara at tinidor sa sahig. "W-Wala po, Ninong. Kayo pala itong nagkakape, eh. Hindi naman ako umiinom ng kape." "Anong ako pala ang umiinom ng kape? Matagal mo nang alam na umiinom ako ng kape." "Oo nga po, Ninong. Dapat kayo ang magugulatin at hindi ako." "Eh, bakit ka nga nagulat? May malalim ka bang iniisip?" Muli siyang bumalik sa silya niya. Ako naman ay napahintong muli. Wala ba talaga siyang maalala? "Y-Yong panaginip ko lang kagabi, Ninong. Alam ko kahindik-hindik pero hindi ko na maalala ngayon, eh." "Stop watching horror movies." "Oo nga po, nanood ako kahapon." Inilagay ko na lamang sa sink ang mga kutsara at tinidor na nahulog sa sahig at kumuha na lamang muli ng bago. "Pahingi na ako ng kape at sumabay ka na sa breakfast." "Opo." Kaagad ko din naman siyang ipinagtimpla ng kape. Kahit papaano ay nawala naman ang kaba sa dibdib ko. Nagtimpla na rin ako ng gatas ko at dinala ang mga ito sa mesa. "Ito na po, Ninong." Inilapag ko sa tabi ng plato niya ang kape niya. Naka-pwesto siya sa pinakadulong bahagi ng mesa. Dyan talaga ang pwesto niya. Pinili ko namang maupo sa may isang pagitang silya sa aming dalawa. Kahit sa tabi niya talaga ako palagi pumupwesto. "Bakit ang layo mo? Mabaho pa ba ako? Bagong ligo naman na ako." Napansin niya naman ang ginawa ko. Inamoy-amoy pa niya ang sarili niya. "A-Ako ang mabaho, Ninong. Hindi pa ako nag-toothbrush. Kagigising ko lang po kasi. Nagmadali ako sa pagbaba kanina." "Sabog-sabog pa nga 'yang buhok mo. Igapos mo nga 'yan. Baka nalaglagan mo na ng buhok itong mga pagkain." "Wala naman po siguro, Ninong." Kaagad ko namang ipinusod ang buhok ko. Palaging nasa braso ko lang ang pamuyod ko. "Move here." "Opo." Wala na rin akong nagawa kundi ang lumipat ng silya na nasa tabi niya. Inilipat ko rin sa tapat ko ang plato ko at tasa ng umuusok na gatas. "Anong oras ako nakatulog kagabi? Umuwi pa ba ang tita Gilda mo?" Muli naman akong napatunghay sa kanya. Nagsimula na siyang sumandok ng sinangag na kanin. Paborito niya 'yan. "H-Hindi na po siya umuwi, eh. Maaga pa po kayo nakatulog, Ninong. Hindi na nga kayo nakakain ng hapunan. Ang dami-dami niyong ininom na alak sa bar." "How did I get into the room?" "Eh, 'di inalalayan ko po kayo. Ang bigat-bigat niyo pa nga, eh." Bigla naman siyang tumawa. "Sorry na. Bibilhan na lang kita ng gusto mo. Do you want a new cell phone?" "Ayoko po, Ninong. Okay pa naman 'yong phone ko." Napansin kong wala na ang bandage niya sa kanan niyang kamay at nakikita ko na ang mga sugat niya doon. "Ninong, lagyan ulit natin ng bandage 'yang sugat niyo." "Hayaan mo na 'yan. Gagaling din 'yan." "Baka po kasi ma-impeksyon." "Malayo 'yan sa bituka." "Puro naman kayo ganyan, eh." Ipinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Muli naman siyang tumawa. "Immune na ako sa sugat. Palagi naman 'yang may sugat." "Kaya naman pala may mga peklat na." Huminto siya sa pagsubo ng pagkain at huminga ng malalim. Hinigop niya rin ang kape niya. Matapos ay pinunasan na niya ang mga labi niya gamit ang table napkin. "I'm tired of this." Napatitig ako sa kanya at nakaramdam ng awa. Nakikita ko sa kanya ang bigat na dinadala niya. "What do you think I should do?" Tumitig naman siya sa akin. "H-Hindi ko rin po alam, Ninong. Mahal niyo pa rin po ba si Tita Gilda?" Hindi kaagad siya nakasagot. Muli siyang bumuntong-hininga ng malalim at bahagyang tumingala sa kisame. Napatulala siya doon ng ilang sandali. Muli naman akong napatitig sa mga labi niyang natikman ko na kagabi lang. At hindi ko mapigilang mapalunok at makaramdam muli nang kakaibang init sa loob ko. Parang inaakit din ako ng mga 'yon na matikman muli. "Hindi ko na rin alam... We've been together for six years now, na wala nang katahimikan. Wala nang kilig, wala nang romance... Gawin ko man ang lahat, parang kulang pa rin... Kahit nasa amin na ang lahat ng yaman, pangalan... wala pa ring kasiyahan. We still can't be happy." Hindi naman ako nakasagot sa mga sinabi niya. Wala pa rin naman akong karanasan pagdating sa mga ganyang bagay. Hindi ko rin alam ang dapat kong ipayo sa kanya. "Do you think it's time for me to leave her?" Muli akong napatitig sa kanya. "Mukhang wala na rin naman kasing patutunguhan 'to. Pareho lang kaming nahihirapan sa isa't isa." "K-Kaya niyo po ba, Ninong?" "Kakayanin ko. Ganun din naman. I've been hurting for years. Ganun din kapag tuluyan na kaming naghiwalay. Masasaktan din ako." "K-Kung hindi niyo na po talaga maaayos pa, Ninong. S-Siguro po 'yon na lang talaga ang huling paraan... Makaka-move on din naman po siguro kayo, Ninong, balang-araw. Bata pa kayo. Makakahanap pa kayo ng mas deserve na babae." Hindi naman siya sumagot at nanatili lamang nakatitig sa akin. Nailang naman ako kaya napayuko na akong muli sa plato ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko. "Do you still remember what I told you yesterday?" Bigla na lamang akong nasamid hanggang sa atakehin ng ubo dahil sa sinabi niya! "Water." Mabilis naman niya akong ipinagsalin ng tubig sa baso at kaagad na inilapit sa akin. Tinulungan pa niya akong makainom ng tubig. Mabilis naman akong uminom dahil patuloy pa rin ako sa pag-ubo. Parang kinikiliti na hindi ko maintindihan ang lalamunan ko! Inagaw ko na mula sa kanya ang baso at inubos ang laman nito. Siya naman ay nakatitig pa rin sa akin ng taimtim. Matapos kong uminom ay kaagad kong pinunasan ang bibig ko gamit ang table napkin dahil kumalat na ang basa sa bibig ko. "Okay ka na?" tanong niya sa akin. Hindi naman na ako makatingin pa sa kanya ng tuwid. Kung ganun ay alam niya pala! Natatandaan niya! Muli naman siyang bumuntong-hininga ng malalim. "I'm sorry, hindi ko sinasadya... Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Masyado na akong nadi-depress sa pagsasama naming 'to. Puro na lang kami away. Kahit pilitin kong maging kalmado, siya naman 'yong nag-uumpisa." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Bumalik ang malakas na kabog ng dibdib ko. "Mapapatawad mo pa ba si Ninong?" Muli akong napatunghay sa kanya at napatitig sa mga mata niya, puno ang mga ito ng bigat, kaguluhan at pagsisisi. "I'm going to pay a visit to Pareng Linus' grave and beg his forgiveness. Nagkasala ako sa kanya." "O-Okay lang po, Ninong... G-Gusto ko po." "What?" Nangunot namang bigla ang noo niya at bumakas bigla ang gulat sa anyo niya. "T-Tinatanggap ko po ang alok niyo. P-Pero natatakot po ako k-kapag nalaman ni tita Gilda ang tungkol do'n. A-At saka kasal pa po kayo. B-Baka po makulong tayo." Siya naman ang hindi nakasagot at nanatili lamang nakatitig sa akin. Ngunit napansin ko ang bahagyang pagliwanag ng anyo niya at pagkislap ng mga mata niya. "A-Are you sure?" tanong niya. "O-Opo. P-Para po sa inyo, Ninong." "I'm not forcing you. It's fine with me if you don't want to." "Mahal ko po kayo at gusto ko po kayong tulungan." Nangilid na ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa kanya. Hindi ko na rin mapigilan pa ang mapahikbi. Bigla naman siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Thank you, Lina. Thank you so much." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Ako na na ang bahala. Don't worry and don't be afraid. I'll take care of you, alright? Walang makukulong sa atin." Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. Sana nga. Ang gusto ko lang ay maging masaya na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD