CHAPTER 40: Pregnant

1842 Words

Lina NAGISING ako na parang hinahalukay ang sikmura ko. May nalalanghap akong hindi magandang amoy. Hindi ko ito maipaliwanag. Para akong nahihilo sa galaw ng kama ko, sa paggalaw ng cruise na ito. May naririnig akong tunog ng kutsara na tila may hinahalo sa loob ng tasa. Idinilat ko ang aking mga mata. Kaagad ang mga itong tumama sa gwapong lalaking nakasuot ngayon ng gray robe ngunit bukaskas ang mga tali nito, kaya naman nakikita ko ang malalapad niyang dibdib at namumutok sa abs niyang tiyan. Napatitig din ako sa napakalaking bukol niya sa suot niyang boxer short. Nasa harapan siya ng mesa, nakatayo at naghahalo sa isang tasang umuusok-usok pa. May nakikita na rin akong tila mga pagkain doon. Muli na namang humilab ng husto ang tiyan ko. Para na naman itong hinahalukay at umaakyat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD