Lina MATAPOS ang kasal namin ng mahal kong asawang si Desmond ay sumakay na kami ng Royal Caribbean Cruise. At dito na namin ginanap ang aming honeymoon. Pagpasok pa lang namin sa loob ng cabin namin ay may pagmamadali na niya akong hinubaran at dinaluyong ng maalab na halik sa mga labi. Walang pag-aalinlangan ko rin naman siyang tinugon habang hinuhubad ko na rin sa kanya ang mga damit niya. Inihagis na lamang namin ang lahat nang ito sa sahig. Kaagad niya akong binuhat. Awtomatiko namang yumakap sa baywang niya ang mga hita ko ganun din ang mga braso ko sa leeg niya. Pareho kaming puno ng pananabik sa isa't isa, kahit gabi-gabi o anumang oras ay ginagawa namin itong dalawa. Iba 'yong pakiramdam ngayon dahil alam naming pag-aari na talaga namin ang isa't isa. At wala naman kaming tin