Lina Bigla akong napatayo. "Ilabas mo ang mama ko," matigas kong sabi sa kanya. Napataas naman ang pareho niyang mga kilay at mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti niya habang nakatitig sa akin. Nasa tabi ko naman si Desmond at nananatiling tahimik. Hinila ni Gilda ang isang silya sa kabilang bahagi ng mesa gamit lang ang paa niya at maangas pang naupo doon. Nginitian din niya nang pagkatamis-tamis si Desmond. "I miss you, babe. Na-miss mo ba ako kaya ka nandito ngayon?" napakalambing niyang tanong sa asawa ko. Hindi na ako nakapagtimpi pa. Mabilis kong hinawakan ng mahigpit ang baba niya at iniharap siya sa akin. "Sagutin mo ang tanong ko. Nasaan ang mama ko? Ilabas mo ang mama ko!" Nabaling muli sa akin ang paningin niya at muling ngumiti. "Ma'am, bawal po 'yan." Inawat naman ak