Lina Apat na pinto ang nakita ko dito sa second floor. Isa-isa ko silang binuksan. May nakita naman akong mga kama sa loob, pero mukhang mga bago pa silang lahat. Nakabalot pa sa plastic ang mga makakapal na mattress. Binuksan ko ang isa pang pinto. Madilim din sa loob kaya kinapa ko muna ang mga switch ng ilaw sa gilid at kaagad ini-on ang mga ito. At bumungad na nga sa akin ang isang napakalaking silid. Nakita ko kaagad ang isang malaking kama sa gitna na maayos na maayos. Mukhang ito na ang master's bedroom at room ni Ninong. Naririto sa gilid sa labas ang dalawang maleta naming dalawa. Pumasok ako sa loob. Napakalinis ng buong paligid. May sarili din itong bathroom at walk-in closet. May room office area pa na may partition dito sa isang tabi. Nakaharap ito sa malaking bintana.