Lina "Pack your things, Lina. Come on." Kaagad akong inalalayan ni Ninong palayo kay Tita Gilda. "Desmond, you're not leaving here! Binibigyan na nga kita ng option, 'di ba?!" sigaw pa rin ni Tita Gilda sa likuran namin. "At dapat ko pang ipagpasalamat 'yang kabaliwan mo, ganun ba?!" sagot din naman ni Ninong sa kanya. "Ako na nga ang nagpapakumbaba sa iyo! Bakit ba hindi mo 'ko maintindihan?! Sinisira mo lang ang relasyon nating dalawa!" "We're done, Gilda! You're the one who ruined our worthless marriage! You're the one who cheated! Kung ayaw mo kaming umalis, ikaw ang umalis dito!" "Puro ka na lang pambibintang! Wala ka namang pruweba! May sakit nga ako, 'di ba?! Wala ka bang awa sa akin?!" Biglang bumalik si Ninong patungo sa kanya. "What the f**k is this? Explain that to me!"