NASA KALAGITNAAN kami ng biyahe nang bigla na lamang tumunog ang phone ko. Kaagad ko itong inilabas mula sa bag ko. Nangunot ang noo ko sa unknown number na nasa screen at ngayo'y tumatawag. Sino naman kaya 'to? Napansin ko sa gilid ng aking mga mata ang saglit na paglingon sa akin ni Kuya Dardar. Kaagad din siyang bumaling sa unahan. "Why don't you answer that?" aniya na siyang ikinalingon ko na sa kanya. "Hindi ko po kilala, eh. Number lang." "Baka sa family mo lang. Baka importante." Hindi ako sumagot. Muli akong yumuko sa phone ko. Patuloy ang pagtawag sa akin ng unknown number na ito. Pinili ko na lamang din itong sagutin, "hello--" "Glenn, baby! You finally answered my call! Nasa bahay ka pa ba o nakaalis na?" Bigla akong napanganga nang makilala ko kaagad ang tinig ni Kuy