Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago muling isinara ang mga kurtina. Sinilip ko siya sa napakaliit lang na siwang. Aba't--naroroon pa rin talaga siya! Hindi ko na lamang siya pinansin pa. Tinungo ko nang muli ang mga damit ko at inilagay sa laundry basket. Nagsuot na rin muna ako ng white robe at lumabas ng silid dala ang mga ito. Nakasalubong ko naman si Mama sa sala. "Oh, anak. Maglalaba ka ba? Akina 'yan at ako na ang maglalaba." "Ako na, Ma. Kaya ko na po 'to." Bigla kong nailayo kay Mama ang basket nang tinangka niya itong agawin sa akin. "Mas lalo kang mapapagod. Huwag ka munang magbasa ng mga paa at kamay dahil galing ka pa sa trabaho." "Bawal din sa inyo ang mapagod, Ma. Baka ubuhin kayong bigla. Nag-iinom pa kayo gamot." "Ano 'yan?" Bigla namang lumabas si ate mula