"ATE!!" Sinalubong ko nang mahigpit na yakap si ate nang mabungaran ko siya dito sa lobby. "Kumusta?" Niyakap din naman niya ako ng mahigpit, at matapos ay pinagmasdan niya ang hitsura ko. "Okay naman po. Nakaraos sa buong araw at masaya naman." "Talaga?" Sumulyap siya sa likuran ko. Nilingon ko din naman doon si Kuya Dardar, pero lumapit na rin ito kay ate at humalik sa pisngi. Napatitig na lamang ako sa kanilang dalawa. "Sinusundo mo ba siya?" tanong ni Kuya Dardar sa kanya. "Oo, kasi magtutungo kami ngayon sa mall. Ipapamili ko siya ng mga bagong--" "A-Ate, sa susunod na lang. Meron na akong mga damit na masusuot bukas," singit ko kaagad sa kanila. Ipinakita ko kay ate ang bitbit kong paper bag. Napatingin naman siya dito. "Bakit? Saan galing 'yan?" Kaagad niya itong hinawa