BAGO SUMAPIT ang pananghalian ay natapos ko na ang panonood ng mga video. At totoong marami akong nalaman tungkol sa kumpanya. 5 years pa lang pala simula noong itatag ang kumpanyang ito ni Kuya Dardar, pero nagsimula ito sa paggawa ng piston ring. Bago pa lang ang negosyo ay napabilang na kaagad ito sa isa sa mga naglalakihang kumpanya sa buong mundo sa larangan ng automotive industry. Sa loob ng limang taon ay halos maabot na nila ang isang milyong mga sasakyan na naibenta na nila. May ilang pabrika na rin pala sila sa ibang bansa bukod pa ang mga naririto sa Pilipinas. Dito ko rin nalaman na 25 years old pa lang pala si Kuya Dardar! Ayon kasi kay Kuya Shane ay 30 na siya! Kaya naman pala hindi akma ang hitsura ni Kuya Dardar sa sinabi nitong edad. Niloloko pa talaga ako ni Kuya Shan