"Saan kayo nanggaling?" Pagtataka ang lumarawan sa mga mata ni Kuya Shane habang nakatitig sa amin ni Kuya Dardar. Nakapamulsa siya habang nakatayo sa gilid ng table ko. Tuluyan na rin naman kaming nakalapit sa kanya. Nasa unahan ko si Kuya Dardar at nandito naman ako sa likod niya. "She requires formal attire, not what she is wearing today, as if she's going on a date," sagot naman sa kanya ni Kuya Dardar. Napayuko naman ako nang bumaling sa akin si Kuya Shane. "What? Wala namang problema sa suot niya. She's so beautiful and it suits her." "Are you blind or stupid? Her clothes are not in the right place." Binigyan ni Kuya Dardar ng masamang tingin si Kuya Shane bago tuloy-tuloy na pumasok sa opisina niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya sa pinsan. "What the f**k?" Maging si Kuya