PAGHINTO ng kotse namin sa tapat ng gate ng bahay nila Kuya Desmond at ate Lina ay kaagad kong tinanaw ang malaking bahay na nasa tapat nito, sa kabilang kalsada. Lumabas na rin ako ng kotse. Hindi ako makapaniwala na 'yan lang pala ang bahay nila. May mga balcony din ito sa taas. Pero wala siya dyan ngayon, at aalis din kami ngayon patungong Quezon. Parang nawalan akong bigla ng gana na sumama doon, pero hindi naman pupwedeng magpaiwan ako dito. Hindi papayag sila Mama at Ate. Magtataka din sila sa rason ko. "That's their house." Napalingon akong bigla kay Kuya Desmond nang magsalita siyang bigla sa tabi ko. Nababasa ko ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. Napansin ko rin ang pagtitig sa akin ni Ate at pagsulyap niya sa bahay na 'yon. Nag-iwas na ako ng tingin doon bago pa ako pag