Lina MAGDAMAG kaming tumambay ni Ninong sa malaking bintana na ito habang pinagmamasdan ang napakagandang view ng Duomo Cathedral. Nakasandal siya sa gilid habang nakayakap sa akin. Ako naman ang nakasandal sa kanyang harapan. Natapos na kaming kumain at ngayo'y sinasamahan ko siya sa pag-inom ng wine. Manamis-namis lang naman ito at lasang grapes, pero nararamdaman ko na rin ang pagtalab ng alcohol nito sa akin. Sa probinsya ay nakatikim na rin ako ng tuba. Masarap ang lasa niyon na manamis-namis. Ilang beses na rin akong nalasing, kaya hindi ito ang unang beses na uminom ako ng alak. Natatandaan ko pa, patago lang namin itong ginagawa noon ng kaibigan kong si Ishie. Nag-iisa siyang matalik kong kaibigan na ngayon ay nasa Greece na. Buhat kasi noong maka-graduate kami sa Grade 12 a