Lina ISANG LINGGO kaming nanatili ni Ninong sa apartment dahil nilibot pa namin ang buong lugar ng Piazza del Duomo, Milan, Lombardy, Italy. Sabay naming ipinagdasal ang kaluluwa ni Papa sa simbahan, nang sumapit ang ika-45 days ng kamatayan niya. Marami kaming napuntahan sa loob ng isang linggong 'yon at wala kaming ibang ginawa kundi i-enjoy lang ang mga sandaling magkasama kaming dalawa. Pagsapit naman ng birthday ko ay dito naman kami nagtungo sa Venice, Veneto, Italy. Kulang-kulang tatlong oras ang binyahe namin bago kami nakarating dito, sakay pa rin ng kotse ni Tito Harold. Iniwan lang namin ito sa daungan at sumakay naman kami ng yate patungo dito. Para kasi itong isang isla na nasa gitna pala ng tubig. Dito naman nag-book ng hotel si Ninong para sa aming dalawa. Tumawag na ri