Lina ISANG ORAS at kalahati ang binyahe namin ni Ninong bago kami nakarating sa Metro Manila. "Ninong, ayoko pong sumama sa court. Natatakot akong makita si Tita Gilda." Naaalala ko pa kasi ang huling naging pag-uusap naming dalawa bago kami umalis sa bahay nila ni Ninong sa Marikina. Baka kasi bigla din niya akong pag-isipan ng masama. Oh, kaya ay baka bigla siyang gumawa ng kwento tungkol sa aming dalawa ni Ninong. Mukhang baliw pa naman ang babaeng 'yon. "Sa Pasig ka na lang muna, kila Dad. Mas safe ka doon." "Opo." Kinabig niya ang manibela ng kotse niya at lumiko kami sa kaliwang kalye. Gusto ko rin sanang makausap si Kuya Darell. Mamaya ay icha-chat ko na lamang siya, kung pwede siyang magtungo sa mansion ng mga lolo at lola nila. "Ninong, malayo po ba ang Marikina sa Pasig?"