Lina Hindi na rin nagtagal pa sila Ninong at Daddy David. Kaagad na rin silang nagpaalam at umalis. Naiwan naman kami ni Mommy Wilma sa mansion. Si Dacia raw naman ay nasa school ngayon. "Mabuti at nabanggit mo sa akin na mahilig ka rin sa mga halaman. I have a lot of plants here and you can bring them to Tagaytay." Namilog bigla ang aking mga mata sa sinabi niya. "Talaga po, Mommy?!" "Of course. Mayroon ka na bang sampaguita?" "Meron na po, Mommy. Limang paso po ang binili niyan ni Ninong para sa akin." "Yon naman pala. Maganda 'yan kapag namulaklak na kasi malalanghap mo talaga ang bango nila. Kadalasan ay sa gabi mo sila makikita na namumukadkad." "May bulaklak na nga po 'yong mga binili ni Ninong sa akin, Mommy." "Tingnan mo na lang kung ano pa 'yong mga wala ka pang halaman.