Lina "What happened?" tanong sa akin ni Daddy David. Puno nang pagtataka ang kanyang mga mata. Ngunit hindi ako makasagot. Nakatitig din sa akin ang ama ni Kuya Darell. "Susundan ko lang siya," aniya bago mabilis na sumakay sa isang kotse. Lumapit na rin sa akin si Ninong. Hindi naman siya mukhang galit, at tila may saya pa akong nababasa sa mga mata niya. Maaliwalas din ang anyo niya ngayon. Ano kayang nangyari sa paghaharap nila ng ex-wife niya sa korte kanina? "Let's go inside," aniya sa akin bago niya ako inalalayan sa likod ko. Nauna na ring pumasok sa loob ng gate ang mga kapatid niya at ang Daddy nila. Kaming dalawa ang nahuli. Bumaba ang kamay niya sa baywang ko at marahang pumisil doon. May kakaibang init naman itong inihatid sa akin. Para bang may ibig itong sabihin. Bumit