MABILIS kong kinuha ang bag ko sa swivel chair ko at sumunod kay Kuya Dardar. Napakabilis naman niyang maglakad! Sa pinto ko na siya naabutan. Nauna siyang lumabas at sumunod naman ako. Pansin ko ang paghabol ng tingin sa amin ng mga empleyado. Parang hindi man lang din siya nagpaalam sa mga ito. Diretso kaming nagtungo sa harapan ng elevator. Pinindot niya kaagad ang button sa gilid nito. Hindi na kami nakapagpaalam pa kay Kuya Shane. Dagli ring bumukas ang elevator. "Good morning, Ma'am, Sir!" nakangiting bati sa amin ng babaeng nagmamaniobra nito sa loob. Lumingon sa akin si Kuya Dardar na tila pinauuna niya akong pumasok sa loob. Sinunod ko rin naman siya. Pagpasok ko ay kaagad din siyang sumunod sa akin. "What floor, Sir?" tanong ng babae habang nakatingala kay Kuya Dardar.