"Kumusta? Nadalhan mo na ba siya ng breakfast?" "Kuya Shane." Napangiti ako nang balikan niya kaagad ako dito sa table ko. "Okay na okay po." Dalawang thumbs up ang ibinigay ko sa kanya habang may malapad na ngiti. "Siguro ay kumakain na siya ngayon. Ininom naman niya 'yong tinimpla kong kape para sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo." "Good. That's a great start. What breakfast did you give him?" "Yong baon ko po na kanin at nilagang itlog." "Kanin?" Nakita ko naman ang paghinto niya. "Opo. May problema po ba sa kanin?" "Hindi kasi siya nagra-rice sa umaga. Kanina mo pa ba ibinigay?" "Opo. Pero hindi ko po alam kung kinakain na niya ngayon." "Oh, we're dead. Baka magalit na naman 'yon. I'll check on him inside." Mabilis siyang nagtungo sa pinto ng office ni Kuya Dardar at binuksa