PAGPASOK namin sa loob ay bumungad sa amin ang isang napakalaking opisina. Malapit sa entrance ay mayroong isang malapad at mahabang mesa kung saan may mga laptop at may ilang empleyado na ang nakaupo. Sa magkabila namang bahagi nitong malaking opisina na ito ay maraming mga cubicle kung saan marami-rami na rin ang mga empleyado. Ang iba ay nagsisidatingan pa lang. Biglang pumalakpak si Kuya Shane na tila kinukuha ang atensyon nilang lahat. "Good morning!" bati niya sa mga ito, na kaagad din namang nagsilingunan sa amin. "Attention, everyone." "Good morning, Sir!" "Good morning po!" "Oy, may bago?" "Girlfriend mo po, Sir?" "Ganda." Biglang nag-init ang pisngi ko sa mga papuri nila habang nakatitig sa akin. Nakalarawan ang paghanga sa kanilang mga mata. "I just want you all to