PAGPASOK din niya dito sa loob ng kotse ay dito mas lalo pang lumakas ang pintig ng puso ko. Para na itong nagwawala ngayon sa dibdib ko. Para na namang may mga butterfly na nagliliparan ngayon sa tiyan ko. Nasa tabi ko na siya ngayon at siya ang nakaharap sa manibela nitong kotse niya. Nilingon ko sila Mama at ate sa labas ng bintana. Nakangiti ang mga ito at kumakaway sa akin. Nginitian ko rin sila at kinawayan. Baka nababanaag nila ako dito sa loob kahit medyo may kadiliman ang salamin ng bintana. Sinimulan nang paandarin ni Kuya Dardar ang kotse. Hindi naman ako makapagsalita dito sa tabi niya. Ramdam ko rin ang bahagyang panginginig ng katawan ko. Parang gusto kong bumaba na hindi. Hindi ko maipaliwanag itong pagwawala ng dibdib ko. Hindi ko naman kasi inasahan na sa kanya ako ma