GABI NA pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dilat na dilat pa rin ang aking mga mata at nakatitig sa kisame. May kadiliman na ang silid namin ni Mama at tanging dalawang lampshade lang ang nakabukas na nagsisilbi naming munting liwanag. Si Mama naman ay mahimbing nang natutulog ngayon sa tabi ko. Nakatalikod siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi maalis-alis sa isipan ko ang mukha ni Kuya Dardar at ang mga mangyayari bukas sa opisina nila. Papasok na ako bukas at may posibilidad na araw-araw ko siyang makikita doon at makakasama. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang t***k ng puso ko. Excited ako na kinakabahan. Kanina ko pa yakap ng mahigpit ang unan ko. Kahit anong pilit kong tanggalin siya sa isipan ko ay hindi ko pa rin magawa. Mala