CHAPTER 72: Hired

2148 Words

"Ahm ... i-isosoli ko na po 'y-yong hiniram ko." Nagkandautal na naman ako sa pagsasalita sa harapan niya. "K-Kukunin ko lang sa ... s-sa itaas." Nanatili lang siyang nakatitig sa akin at hindi ako sinagot. Maya-maya'y niyuko niya si Liana na kasalukuyan niyang buhat. "How was your vacation, baby? May pasalubong ka ba kay Kuya?" Naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Napanganga naman ako habang hinahabol sila ng tingin. Hindi man lang niya pinansin ang sinabi ko. "Talong dala namin, Kuya," sagot sa kanya ni Liana. "Talong? 'Yon lang?" "Doon pa. Madami pa!" Dire-diretso siyang naglakad patungo sa sala, hanggang sa direksyon ng kusina. Hindi na niya ako nilingon pa. Napaismid na lamang ako. Masungit na, isnabero pa. Eh, kung hindi ko na lang kaya isoli sa kanya 'yong brief at sh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD